By Dr. Willie Ong
Tuturuan namin kayo ng isang ulam na mabisang panlaban sa kanser. Ito ay ang aming espesyal na ulam na may sumusunod na sangkap.
Bawang at sibuyas
Sa mga pagsusuri, ang sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang naman ay may sangkap na allyl sulfides. Ito ay tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate.
Shitake mushrooms na nabibili sa palengke
Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian. Ito ay nagpapalakas ng ating immune system.
Carrots
Ang mga madilaw na prutas at gulay ay may taglay na vitamin A at lycopene na tumutulong makaiwas sa kanser.
Broccoli o cauliflower
Ang mga cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts. May sangkap na sulforaphane, na mabisang panlaban sa kanser.
Paraan ng Pagluto:
- Igisa ang bawang at sibuyas sa konting mantika.
- Ilagay ang half cup na Shitake mushrooms.
- Pagkaraan ng 2 minuto, ilagay ang isang tasa na hiniwang carrots.
- Lagyan ng 2 kutsarang oyster sauce at one-fourth na basong tubig.
- Pagkaraan ng 2 minuto, ilagay ang dalawang tasa ng broccoli.
- Lagyan ng konting tubig kung kailangan at lutuin ng 5 minuto pa.
- Huwag i-overcook ang gulay para maiwan ang sustansya. Huwag din damihan ang sarsa para manatili ang bitamina sa gulay.
Ihanda ng madalas ang ulam na ito. Para mababawasan ang tsansang magkakasakit ang ating mga kapamilya.