By Dr. Willie Ong
May mga pasyente akong nagtataka kung bakit hindi sila pumapayat. Kapag tinanong ko sila, ang sabi nila ay 1 mangga ang nakakain nila bawat kainan. Kaya naman pala!
Matamis at mataas sa asukal ang mangga. Oo, may tulong sa ating katawan ang asukal. Binibigyan tayo ng energy at lakas. Ngunit kapag sosobra ay nakatataba at puwede tayo magka-diabetes.
Alam ba ninyo ang nilalamang asukal ng mga pangkaraniwang pagkain? Tingnan natin.
- Raisins 42.5 g ng Sunmaid Raisins (half cup) = 7 kutsaritang asukal (120 cal)
Mas mababa sa asukal ang strawberries kumpara sa ubas, mangga at dried fruits.
- 8 baby carrots o half cup (85 g) = 1 kutsaritang asukal lamang (30 cal)
- 1 malaking orange = 5 kutsaritang asukal (132 cal)
Kapag mas matamis at mas hinog ang prutas, mas maraming asukal ito. Piliin ang mga prutas na bagong hinog lang. Huwag piliin ang mga overripe na prutas.
- Three-fourth cup plain cereals = 1 kutsaritang asukal (120 cal)
Pero ang three-fourth cup ng frosted cereals ay may 3 kutsaritang asukal (120 cal).
- 1 regular na mais = Isa at kalahating kutsaritang asukal.
- 1 ensaymada na may butter = 8 kutsaritang asukal at 5 kutsaritang butter. Wow, grabe ito makataba. Kung nagpapapayat, piliin na lang ang pandesal o monay.
- 1 scoop ng regular ice cream = 6 kutsaritang asukal (240 cal)
Pero ang 1 cup unsweetened 6 ounce yogurt ay may 3 kutsaritang asukal lamang (100 cal).
Mas masustansya ang yogurt kaysa sa ice cream.
- 1 coffee drink with whip cream (16 ounce grande) = 12 kutsaritang asukal (380 cal).
Pagdating sa mga inumin na may whip cream, ice cream at tsokolate, sadyang mataas ito sa asukal. Pero, okay lang naman kung ikaw ay payat at gusto mong magpataba.
Ngunit kung ika’y diabetic at gustong pumayat, piliin ang mga pagkaing mababa sa asukal. Kaya maging maingat tayong lahat sa mga nakatagong asukal sa ating pagkain.